Huwebes, Mayo 16, 2013

“Mas concerned ako sa mga parodies because they confuse people,”  - Nancy Binay
     Sasabihin na naman ng iba dyan, "Move on-move on din pag may time" o di kaya tatawagin kang hater, bitter at lahat ng yata ng may "er" dahil lang sa ipinaglalaban mo pa rin ang sa tingin mo ay mali. Pero bago tayo manghusga, aaminin ko na sa inyong kami ng Ate Nancy ninyo ay may pagkakatulad.


 Pareho kaming first timer. Yun nga lang, sya sa senado ako sa pagba-blog. Hindi naman requirement sa pagba-blog ang nakapagsilbi na sa bayan kahit tanod lang so I guess, no big deal on my part. *laugh* Pero ang Ate Nancy ninyo, Senador agad ang itinakbo. Hindi ba nga, sa pag-aaplay lang sa trabaho sangkatutak na requirements at qualifications ang dapat maipasa mo.

  • NBI Clearance/ Police clearance
  • SSS/TIN/Phil Health/Pag-Ibig
  • Medical/X-ray/Dental
  • Good moral at kaaya-ayang itsura
  • Higit sa lahat, diploma
Meron ka man ng lahat ng yan, if you don't have experience, ligwak ka din 'day! Hindi na uso ang maganda lang o presentable ngayon. Dapat, competent ka at with experience. Si Ate Nancy, nakalusot. 20 yrs daw kasi syang OJT sabi nya sa interview nya dito.  Marami tuloy Juan ang nagalit.
     " Unfair naman! Kami kailangan pa ng kung anu-anong experience para lang magka-trabaho tapos sya idinaan sa apelyido"
    "  Bakit Binay pa rin gingagamit nya? May asawa na sya. Kawawa naman yung asawa nya"
    "  If only did I know, edi sana nag-OJT na lang ako under mom!" (Krissy, is that you?) Joke.

    In the end, nanaig pa din ang taliwas sa tuwid na daan. Si Ate Nancy nga ang nanalo. OMG! "Nakakaloka" - Vice Ganda. Consistent sa Top 5 ranking ang lola nyo. Sa tuwing napapanuod ko 'to, naluluha na lang ako. God bless the Philippines! Jusme! Mas pinili nga ng sambayanang Pilipino ang kandidatong walang kahit anong experience at zero visibility sa lahat ng debate during campaign period! Isang malaking "gggrrrr...".
Proclamation of Top 6 Senators
    Last night, Comelec decided to proclaim yung top 6 senatorial. Again, missing in action si Nancy. (Di yan pwede kay Enrile!). Ayaw pa kasi ng kanyang partido which is UNA, na may early proclamation. Sabay-sabay na daw. Hay! Eh ano kung may maUNA na? Mas mainam nga yun kaysa maghintayan pa. Not unless, gusto pa din nilang maniwala na may dayaang naganap kaya kaunti lang sa kanilang partido ang nanalo!
   Too much drama this election. Buti na lang, patapos na din ang bilangan. Nany Binay surely have to work extra hard para may patunayan sa mdalang pipol or else, everything will backfire on her.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento